19Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20Ang mga lalaking anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Ang mga angkan ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.
21Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea.
22Ang iba pang mga anak niya ay sina si Joquim at ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joas, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jasubi-lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.)