1 Mga Cronica 4

Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea.

1 Chronicles 4:21 (UKJV) The sons of Shelah the son of Judah were, Er the father of Lecah, and Laadah the father of Mareshah, and the families of the house of them that wrought fine linen, of the house of Ashbea,

19Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.

20Ang mga lalaking anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Ang mga angkan ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.

21Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea.

22Ang iba pang mga anak niya ay sina si Joquim at ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joas, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jasubi-lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.)

23Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.