12Si Ahitob ay ama ni Sadoc na siyang ama ni Salum.
13Si Salum ay ama ni Hilkias na siyang ama ni Azarias.
14Si Azarias ay ama ni Seraias. Si Seraias naman ang ama ni Josadac.
15Si Josadac ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
16Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.