1 Mga Taga-Corinto 14

Ang nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay sa iglesya.

1 Corinthians 14:4 (UKJV) He that speaks in an unknown tongue edifies himself; but he that prophesies edifies the church.

2Sapagkat ang taong nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Diyos, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu.

3Ngunit ang taong nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao para silaʼy patibayin, palakasin ng loob at aliwin.

4Ang nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay sa iglesya.

5Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpropesiya kayo. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng propesiya ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibaʼt ibang wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag sa kahulugan ng sinasabi niya upang mapatibay ang iglesya.

6Ngayon, mga kapatid, ano ba ang mapapala ninyo kung pumunta ako riyan at magsalita sa ibaʼt ibang wika? Wala! May mapapala lamang kayo kung bibigyan ko kayo ng pahayag, o kaalaman, o propesiya, o aral.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.