1 Mga Taga-Corinto 14

Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpropesiya kayo. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng propesiya ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibaʼt ibang wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag sa kahulugan ng sinasabi niya upang mapatibay ang iglesya.

1 Corinthians 14:5 (UKJV) I would that all of you all spoke with tongues but rather that all of you prophesied: for greater is he that prophesies than he that speaks with tongues, except he interpret, that the church may receive edifying.

3Ngunit ang taong nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao para silaʼy patibayin, palakasin ng loob at aliwin.

4Ang nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay sa iglesya.

5Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpropesiya kayo. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng propesiya ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibaʼt ibang wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag sa kahulugan ng sinasabi niya upang mapatibay ang iglesya.

6Ngayon, mga kapatid, ano ba ang mapapala ninyo kung pumunta ako riyan at magsalita sa ibaʼt ibang wika? Wala! May mapapala lamang kayo kung bibigyan ko kayo ng pahayag, o kaalaman, o propesiya, o aral.

7Kahit ang mga instrumentong walang buhay tulad ng plawta at alpa ay kailangang malinaw ang mga notang tinutugtog, dahil kung hindi, paano malalaman ng nakakarinig kung anong awit ang tinutugtog?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.