1 Mga Taga-Corinto 14

Ngayon, mga kapatid, ano ba ang mapapala ninyo kung pumunta ako riyan at magsalita sa ibaʼt ibang wika? Wala! May mapapala lamang kayo kung bibigyan ko kayo ng pahayag, o kaalaman, o propesiya, o aral.

1 Corinthians 14:6 (UKJV) Now, brethren, if I come unto you speaking with tongues, what shall I profit you, except I shall speak to you either by revelation, or by knowledge, or by prophesying, or by doctrine?

4Ang nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay sa iglesya.

5Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpropesiya kayo. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng propesiya ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibaʼt ibang wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag sa kahulugan ng sinasabi niya upang mapatibay ang iglesya.

6Ngayon, mga kapatid, ano ba ang mapapala ninyo kung pumunta ako riyan at magsalita sa ibaʼt ibang wika? Wala! May mapapala lamang kayo kung bibigyan ko kayo ng pahayag, o kaalaman, o propesiya, o aral.

7Kahit ang mga instrumentong walang buhay tulad ng plawta at alpa ay kailangang malinaw ang mga notang tinutugtog, dahil kung hindi, paano malalaman ng nakakarinig kung anong awit ang tinutugtog?

8At ganoon din sa trumpeta ng mga sundalo, kung hindi malinaw ang tunog nito, sinong maghahanda para sa digmaan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.