1 Mga Hari 11

Ito ang nangyari kung paano siya nagrebelde sa hari: Pinatabunan noon ni Solomon ng lupa ang mababang bahagi ng bayan ng ama niyang si David at ipinaayos ang mga pader nito.

1 Kings 11:27 (UKJV) And this was the cause that he lifted up his hand against the king: Solomon built Millo, and repaired the breaches of the city of David his father.

25Naging hari si Rezon ng Aram, at kinalaban niya ang Israel. Naging kalaban siya ng Israel habang buháy pa si Solomon. Dinagdagan pa niya ang kaguluhan na ginawa ni Hadad sa Israel.

26Isa pa sa mga kumalaban kay Haring Solomon ay si Jeroboam na anak ni Nebat, na isa sa mga opisyal niya. Galing siya sa lungsod ng Zereda sa Efraim. Ang ama niyang si Nebat ay patay na, ngunit ang ina niyang si Zerua ay buhay pa.

27Ito ang nangyari kung paano siya nagrebelde sa hari: Pinatabunan noon ni Solomon ng lupa ang mababang bahagi ng bayan ng ama niyang si David at ipinaayos ang mga pader nito.

28Maabilidad na tao si Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng tao na pinilit magtrabaho mula sa lahi ni Efraim at ni Manases.

29Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahias na taga-Silo. Bago ang suot na balabal ni Ahias. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.