1 Mga Hari 11

Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahias na taga-Silo. Bago ang suot na balabal ni Ahias. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan.

1 Kings 11:29 (UKJV) And it came to pass at that time when Jeroboam went out of Jerusalem, that the prophet Ahijah the Shilonite found him in the way; and he had clad himself with a new garment; and they two were alone in the field:

27Ito ang nangyari kung paano siya nagrebelde sa hari: Pinatabunan noon ni Solomon ng lupa ang mababang bahagi ng bayan ng ama niyang si David at ipinaayos ang mga pader nito.

28Maabilidad na tao si Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng tao na pinilit magtrabaho mula sa lahi ni Efraim at ni Manases.

29Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahias na taga-Silo. Bago ang suot na balabal ni Ahias. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan.

30Hinubad ni Ahias ang balabal niya at pinunit ito sa labindalawang bahagi.

31Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.