29Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahias na taga-Silo. Bago ang suot na balabal ni Ahias. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan.
30Hinubad ni Ahias ang balabal niya at pinunit ito sa labindalawang bahagi.
31Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito.
32Ngunit alang-alang kay David na aking lingkod at sa lungsod ng Jerusalem na aking hinirang sa lahat ng lungsod ng Israel, ititira ko ang isang lahi kay Solomon.
33Gagawin ko ito dahil tinalikuran niya ako at sinamba si Astoret, ang diyosa ng mga Sidoneo, si Cemos, ang diyos ng mga Moabita at si Molec, ang diyos ng mga Amonita. Hindi siya sumunod sa aking mga pamamaraan at hindi siya namuhay nang matuwid sa aking paningin. Hindi siya tumupad sa aking mga tuntunin at mga utos; hindi tulad ng ama niyang si David.