1 Mga Hari 11

Hinubad ni Ahias ang balabal niya at pinunit ito sa labindalawang bahagi.

1 Kings 11:30 (UKJV) And Ahijah caught the new garment that was on him, and rent it in twelve pieces:

28Maabilidad na tao si Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng tao na pinilit magtrabaho mula sa lahi ni Efraim at ni Manases.

29Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahias na taga-Silo. Bago ang suot na balabal ni Ahias. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan.

30Hinubad ni Ahias ang balabal niya at pinunit ito sa labindalawang bahagi.

31Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito.

32Ngunit alang-alang kay David na aking lingkod at sa lungsod ng Jerusalem na aking hinirang sa lahat ng lungsod ng Israel, ititira ko ang isang lahi kay Solomon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.