23“Sabihin mo sa anak ni Solomon na si Haring Rehoboam ng Juda, at sa lahat ng sambayanan ng Juda at Benjamin at sa iba pang taong naroon
24na ito ang sinasabi ko: ‘Huwag kayong makipaglaban sa mga kapwa ninyo Israelita. Umuwi kayo, dahil kalooban ko ang lahat ng ito.’ ” Sumunod nga sila sa Panginoon at umuwi ayon sa inutos ng Panginoon.
25Pinalibutan ni Jeroboam ng pader ang lungsod ng Shekem sa kabundukan ng Efraim at doon siya tumira. Kinalaunan, pumunta siya sa Penuel at ipinaayos niya ito.
26Sinabi niya sa kanyang sarili, “Baka maibalik ang kaharian sa angkan ni David
27kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa Templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”