1 Mga Hari 12

kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa Templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”

1 Kings 12:27 (UKJV) If this people go up to do sacrifice in the house of the LORD at Jerusalem, then shall the heart of this people return unto their lord, even unto Rehoboam king of Judah, and they shall kill me, and go again to Rehoboam king of Judah.

25Pinalibutan ni Jeroboam ng pader ang lungsod ng Shekem sa kabundukan ng Efraim at doon siya tumira. Kinalaunan, pumunta siya sa Penuel at ipinaayos niya ito.

26Sinabi niya sa kanyang sarili, “Baka maibalik ang kaharian sa angkan ni David

27kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa Templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”

28Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.”

29Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.