1 Mga Hari 12

Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.”

1 Kings 12:28 (UKJV) Whereupon the king took counsel, and made two calves of gold, and said unto them, It is too much for you to go up to Jerusalem: behold your gods, O Israel, which brought you up out of the land of Egypt.

26Sinabi niya sa kanyang sarili, “Baka maibalik ang kaharian sa angkan ni David

27kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa Templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”

28Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.”

29Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan.

30Ang ginawang ito ni Jeroboam ay naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita. Pumupunta pa sila kahit sa Dan para sumamba roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.