1 Mga Hari 12

Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan.

1 Kings 12:29 (UKJV) And he set the one in Bethel, and the other put he in Dan.

27kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa Templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”

28Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.”

29Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan.

30Ang ginawang ito ni Jeroboam ay naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita. Pumupunta pa sila kahit sa Dan para sumamba roon.

31Nagpagawa pa si Jeroboam ng mga sambahan sa matataas na lugar at pumili siya ng mga tao na maglilingkod bilang pari, kahit hindi sila Levita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.