22Iniutos niya sa iyo na huwag kang kakain at iinom sa lugar na ito, pero bumalik ka rito at kumain at uminom. Dahil sa ginawa mo, ang bangkay mo ay hindi ililibing sa libingan ng mga ninuno mo.’ ”
23Nang matapos kumain at uminom ang lingkod ng Diyos, inihanda ng matandang propeta ang asno para sa pag-uwi nito.
24At habang papauwi na siya, sinalubong siya ng isang leon at pinatay. Ang bangkay nitoʼy nakahandusay sa daan, at sa tabi nitoʼy nakatayo ang leon at asno.
25Ngayon, may taong dumaan doon at nakita nila ang bangkay at ang leon sa tabi nito. Ibinalita nila ito sa lungsod kung saan nakatira ang matandang propeta.
26Narinig ng matandang propeta ang nangyari sa lingkod ng Diyos. Sinabi niya, “Siya ang lingkod ng Diyos na hindi sumunod sa salita ng Panginoon. Pinabayaan siya ng Panginoon sa leon na sumunggab at pumatay sa kanya, ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya.”