1 Mga Hari 13

Ngayon, may taong dumaan doon at nakita nila ang bangkay at ang leon sa tabi nito. Ibinalita nila ito sa lungsod kung saan nakatira ang matandang propeta.

1 Kings 13:25 (UKJV) And, behold, men passed by, and saw the carcass cast in the way, and the lion standing by the carcass: and they came and told it in the city where the old prophet dwelt.

23Nang matapos kumain at uminom ang lingkod ng Diyos, inihanda ng matandang propeta ang asno para sa pag-uwi nito.

24At habang papauwi na siya, sinalubong siya ng isang leon at pinatay. Ang bangkay nitoʼy nakahandusay sa daan, at sa tabi nitoʼy nakatayo ang leon at asno.

25Ngayon, may taong dumaan doon at nakita nila ang bangkay at ang leon sa tabi nito. Ibinalita nila ito sa lungsod kung saan nakatira ang matandang propeta.

26Narinig ng matandang propeta ang nangyari sa lingkod ng Diyos. Sinabi niya, “Siya ang lingkod ng Diyos na hindi sumunod sa salita ng Panginoon. Pinabayaan siya ng Panginoon sa leon na sumunggab at pumatay sa kanya, ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya.”

27Sinabi agad ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” At inihanda nga nila ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.