24At habang papauwi na siya, sinalubong siya ng isang leon at pinatay. Ang bangkay nitoʼy nakahandusay sa daan, at sa tabi nitoʼy nakatayo ang leon at asno.
25Ngayon, may taong dumaan doon at nakita nila ang bangkay at ang leon sa tabi nito. Ibinalita nila ito sa lungsod kung saan nakatira ang matandang propeta.
26Narinig ng matandang propeta ang nangyari sa lingkod ng Diyos. Sinabi niya, “Siya ang lingkod ng Diyos na hindi sumunod sa salita ng Panginoon. Pinabayaan siya ng Panginoon sa leon na sumunggab at pumatay sa kanya, ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya.”
27Sinabi agad ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” At inihanda nga nila ito.
28Umalis siya, at nakita niya ang bangkay na nakahandusay sa daan, at ang leon at asno na nakatayo sa tabi nito. Hindi kinain ng leon ang bangkay o nilapa man ang asno.