1 Mga Hari 13

Nang marinig ito ni Haring Jeroboam, itinuro niya ang lingkod ng Diyos at sinabi, “Hulihin ninyo siya!” Ngunit bigla na lang nanigas ang kamay ng hari, kaya hindi na niya maibaba ang kanyang kamay.

1 Kings 13:4 (UKJV) And it came to pass, when king Jeroboam heard the saying of the man of God, which had cried against the altar in Bethel, that he put forth his hand from the altar, saying, Lay hold on him. And his hand, which he put forth against him, dried up, so that he could not pull it in again to him.

2Inutusan ng Panginoon ang lingkod niya na isumpa ang altar na iyon. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa altar na ito: May isisilang na isang sanggol sa pamilya ni David na ang pangalan ay Josias. Papatayin niya at ihahandog sa altar na ito ang mga pari na naglilingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar at naghahandog sa altar na ito. Masusunog ang kanilang mga buto sa altar na ito.”

3Sa mismong araw na iyon, nagbigay ang lingkod ng Diyos ng palatandaan. Sinabi niya, “Ito ang palatandaan na sinabi ng Panginoon: Matitibag ang altar na ito at kakalat ang alikabok nito.”

4Nang marinig ito ni Haring Jeroboam, itinuro niya ang lingkod ng Diyos at sinabi, “Hulihin ninyo siya!” Ngunit bigla na lang nanigas ang kamay ng hari, kaya hindi na niya maibaba ang kanyang kamay.

5Pagkatapos, natibag ang altar at ang alikabok nito ay kumalat, ayon sa palatandaang sinabi ng lingkod ng Diyos na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.

6Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Diyos na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.