1 Mga Hari 13

Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Diyos na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari.

1 Kings 13:6 (UKJV) And the king answered and said unto the man of God, Implore now the face of the LORD your God, and pray for me, that my hand may be restored me again. And the man of God besought the LORD, and the king's hand was restored him again, and became as it was before.

4Nang marinig ito ni Haring Jeroboam, itinuro niya ang lingkod ng Diyos at sinabi, “Hulihin ninyo siya!” Ngunit bigla na lang nanigas ang kamay ng hari, kaya hindi na niya maibaba ang kanyang kamay.

5Pagkatapos, natibag ang altar at ang alikabok nito ay kumalat, ayon sa palatandaang sinabi ng lingkod ng Diyos na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.

6Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Diyos na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari.

7Muling sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Halika sa bahay at kumain, at bibigyan kita ng regalo.”

8Ngunit sumagot ang lingkod ng Diyos, “Kahit ibigay pa po ninyo sa akin ang kalahati ng ari-arian ninyo, hindi ako sasáma sa inyo o kakain ni iinom man sa lugar na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.