3Sa mismong araw na iyon, nagbigay ang lingkod ng Diyos ng palatandaan. Sinabi niya, “Ito ang palatandaan na sinabi ng Panginoon: Matitibag ang altar na ito at kakalat ang alikabok nito.”
4Nang marinig ito ni Haring Jeroboam, itinuro niya ang lingkod ng Diyos at sinabi, “Hulihin ninyo siya!” Ngunit bigla na lang nanigas ang kamay ng hari, kaya hindi na niya maibaba ang kanyang kamay.
5Pagkatapos, natibag ang altar at ang alikabok nito ay kumalat, ayon sa palatandaang sinabi ng lingkod ng Diyos na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.
6Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Diyos na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari.
7Muling sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Halika sa bahay at kumain, at bibigyan kita ng regalo.”