5Pagkatapos, natibag ang altar at ang alikabok nito ay kumalat, ayon sa palatandaang sinabi ng lingkod ng Diyos na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.
6Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Diyos na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari.
7Muling sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Halika sa bahay at kumain, at bibigyan kita ng regalo.”
8Ngunit sumagot ang lingkod ng Diyos, “Kahit ibigay pa po ninyo sa akin ang kalahati ng ari-arian ninyo, hindi ako sasáma sa inyo o kakain ni iinom man sa lugar na ito.
9Sapagkat inutusan po ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako, at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.”