9Mas masama ang ginawa mo kaysa sa ginawa ng mga pinunong nauna sa iyo. Itinakwil mo ako at ipinagpalit sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga diyos-diyosang gawa sa metal.
10“ ‘Dahil dito, padadalhan ko ng kapahamakan ang sambahayan mo. Papatayin ko ang lahat ng lalaki, alipin man o hindi. Wala akong ititira sa sambahayan mo tulad ng dumi na sinunog hanggang sa tuluyan itong mawala.
11Ang mga miyembro ng sambahayan mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.’ Ako, ang Panginoon, ang nagsabi nito.”
12Sinabi pa ni Ahias, “Umuwi ka na. Pagdating mo sa inyong lungsod, mamamatay ang iyong anak.
13Ipagluluksa siya ng buong Israel at ililibing. Siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang maililibing nang maayos, dahil siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang kinalugdan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.