1 Mga Hari 14

Mas masama ang ginawa mo kaysa sa ginawa ng mga pinunong nauna sa iyo. Itinakwil mo ako at ipinagpalit sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga diyos-diyosang gawa sa metal.

1 Kings 14:9 (UKJV) But have done evil above all that were before you: for you have gone and made you other gods, and molten images, to provoke me to anger, and have cast me behind your back:

7Umuwi ka at sabihin mo kay Jeroboam na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ikaw ang pinili ko sa lahat ng tao para gawing pinuno ng mga mamamayan kong Israelita.

8Kinuha ko ang kaharian sa pamilya ni David at ibinigay sa iyo. Pero hindi ka katulad ni David na lingkod ko. Tinupad niya ang mga utos ko, sumunod siya sa akin nang buong puso, at ang matuwid lamang sa aking paningin ang ginawa niya.

9Mas masama ang ginawa mo kaysa sa ginawa ng mga pinunong nauna sa iyo. Itinakwil mo ako at ipinagpalit sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga diyos-diyosang gawa sa metal.

10“ ‘Dahil dito, padadalhan ko ng kapahamakan ang sambahayan mo. Papatayin ko ang lahat ng lalaki, alipin man o hindi. Wala akong ititira sa sambahayan mo tulad ng dumi na sinunog hanggang sa tuluyan itong mawala.

11Ang mga miyembro ng sambahayan mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.’ Ako, ang Panginoon, ang nagsabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.