1 Mga Hari 14

Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang bangang pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”

1 Kings 14:3 (UKJV) And take with you ten loaves, and cracknels, and a cruse of honey, and go to him: he shall tell you what shall become of the child.

1Nang panahong iyon, nagkasakit ang anak na lalaki ni Jeroboam na si Abias.

2Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Silo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahias, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel.

3Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang bangang pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”

4At iyon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam. Pumunta siya sa bahay ni Ahias sa Silo. Matanda na si Ahias at hindi na makakita.

5Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ahias, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.