2Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Silo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahias, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel.
3Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang bangang pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”
4At iyon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam. Pumunta siya sa bahay ni Ahias sa Silo. Matanda na si Ahias at hindi na makakita.
5Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ahias, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”
6Nang marinig ni Ahias na papasok siya sa pintuan, sinabi ni Ahias, “Halika, pumasok ka. Alam kong asawa ka ni Jeroboam. Bakit ka nagbabalat-kayo? May masamang balita ako sa iyo.