1 Mga Hari 14

Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ahias, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”

1 Kings 14:5 (UKJV) And the LORD said unto Ahijah, Behold, the wife of Jeroboam comes to ask a thing of you for her son; for he is sick: thus and thus shall you say unto her: for it shall be, when she comes in, that she shall feign herself to be another woman.

3Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang bangang pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”

4At iyon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam. Pumunta siya sa bahay ni Ahias sa Silo. Matanda na si Ahias at hindi na makakita.

5Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ahias, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”

6Nang marinig ni Ahias na papasok siya sa pintuan, sinabi ni Ahias, “Halika, pumasok ka. Alam kong asawa ka ni Jeroboam. Bakit ka nagbabalat-kayo? May masamang balita ako sa iyo.

7Umuwi ka at sabihin mo kay Jeroboam na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ikaw ang pinili ko sa lahat ng tao para gawing pinuno ng mga mamamayan kong Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.