1 Mga Hari 14

Nang marinig ni Ahias na papasok siya sa pintuan, sinabi ni Ahias, “Halika, pumasok ka. Alam kong asawa ka ni Jeroboam. Bakit ka nagbabalat-kayo? May masamang balita ako sa iyo.

1 Kings 14:6 (UKJV) And it was so, when Ahijah heard the sound of her feet, as she came in at the door, that he said, Come in, you wife of Jeroboam; why feign you yourself to be another? for I am sent to you with heavy tidings.

4At iyon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam. Pumunta siya sa bahay ni Ahias sa Silo. Matanda na si Ahias at hindi na makakita.

5Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ahias, “Papunta rito ang asawa ni Jeroboam na nagbalat-kayo para hindi makilala. Magtatanong siya sa iyo tungkol sa anak niyang may sakit, at sagutin mo siya ng sasabihin ko sa iyo.”

6Nang marinig ni Ahias na papasok siya sa pintuan, sinabi ni Ahias, “Halika, pumasok ka. Alam kong asawa ka ni Jeroboam. Bakit ka nagbabalat-kayo? May masamang balita ako sa iyo.

7Umuwi ka at sabihin mo kay Jeroboam na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ikaw ang pinili ko sa lahat ng tao para gawing pinuno ng mga mamamayan kong Israelita.

8Kinuha ko ang kaharian sa pamilya ni David at ibinigay sa iyo. Pero hindi ka katulad ni David na lingkod ko. Tinupad niya ang mga utos ko, sumunod siya sa akin nang buong puso, at ang matuwid lamang sa aking paningin ang ginawa niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.