1 Mga Hari 14

Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Silo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahias, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel.

1 Kings 14:2 (UKJV) And Jeroboam said to his wife, Arise, I pray you, and disguise yourself, that you be not known to be the wife of Jeroboam; and get you to Shiloh: behold, there is Ahijah the prophet, which told me that I should be king over this people.

1Nang panahong iyon, nagkasakit ang anak na lalaki ni Jeroboam na si Abias.

2Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya, “Pumunta ka sa Silo, magbalat-kayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa kita. Naroon si Ahias, ang propeta na nagsabi sa akin na magiging hari ako ng Israel.

3Pumunta ka sa kanya at magdala ng mga regalo na sampung tinapay, mga pagkain, at isang bangang pulot dahil sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa anak natin.”

4At iyon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam. Pumunta siya sa bahay ni Ahias sa Silo. Matanda na si Ahias at hindi na makakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.