1 Mga Hari 18

Hindi nʼyo ba nabalitaan ang ginawa ko noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon? Pinagtago ko ang isandaang propeta ng Panginoon sa dalawang kuweba, limampu sa bawat kuweba, at binigyan ko sila ng pagkain at tubig doon.

1 Kings 18:13 (UKJV) Was it not told my lord what I did when Jezebel slew the prophets of the LORD, how I hid an hundred men of the LORD's prophets by fifty in a cave, and fed them with bread and water?

11At ngayon, inuutusan nʼyo po akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo?

12Paano kung sa sandaling pag-alis ko ay dalhin kayo ng Espiritu ng Panginoon sa lugar na hindi ko alam? Kapag dumating si Ahab dito na wala kayo, papatayin niya ako. Ngunit ako po, mula pa sa pagkabata ko ay naglilingkod na ako sa Panginoon.

13Hindi nʼyo ba nabalitaan ang ginawa ko noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon? Pinagtago ko ang isandaang propeta ng Panginoon sa dalawang kuweba, limampu sa bawat kuweba, at binigyan ko sila ng pagkain at tubig doon.

14At ngayon inuutusan ninyo akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo? Papatayin po niya ako!”

15Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.