1 Mga Hari 18

Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”

1 Kings 18:15 (UKJV) And Elijah said, As the LORD of hosts lives, before whom I stand, I will surely show myself unto him to day.

13Hindi nʼyo ba nabalitaan ang ginawa ko noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon? Pinagtago ko ang isandaang propeta ng Panginoon sa dalawang kuweba, limampu sa bawat kuweba, at binigyan ko sila ng pagkain at tubig doon.

14At ngayon inuutusan ninyo akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo? Papatayin po niya ako!”

15Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”

16Kaya pumunta si Obadias kay Ahab at sinabi sa kanya na naroon si Elias, at lumakad si Ahab upang makipagkita kay Elias.

17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya, “Ikaw ba talaga iyan, ang nanggugulo sa Israel?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.