12Paano kung sa sandaling pag-alis ko ay dalhin kayo ng Espiritu ng Panginoon sa lugar na hindi ko alam? Kapag dumating si Ahab dito na wala kayo, papatayin niya ako. Ngunit ako po, mula pa sa pagkabata ko ay naglilingkod na ako sa Panginoon.
13Hindi nʼyo ba nabalitaan ang ginawa ko noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon? Pinagtago ko ang isandaang propeta ng Panginoon sa dalawang kuweba, limampu sa bawat kuweba, at binigyan ko sila ng pagkain at tubig doon.
14At ngayon inuutusan ninyo akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo? Papatayin po niya ako!”
15Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”
16Kaya pumunta si Obadias kay Ahab at sinabi sa kanya na naroon si Elias, at lumakad si Ahab upang makipagkita kay Elias.