1 Mga Hari 18

Kaya pumunta si Obadias kay Ahab at sinabi sa kanya na naroon si Elias, at lumakad si Ahab upang makipagkita kay Elias.

1 Kings 18:16 (UKJV) So Obadiah went to meet Ahab, and told him: and Ahab went to meet Elijah.

14At ngayon inuutusan ninyo akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo? Papatayin po niya ako!”

15Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”

16Kaya pumunta si Obadias kay Ahab at sinabi sa kanya na naroon si Elias, at lumakad si Ahab upang makipagkita kay Elias.

17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya, “Ikaw ba talaga iyan, ang nanggugulo sa Israel?”

18Sumagot si Elias, “Hindi ako ang nanggugulo sa Israel, kundi ikaw at ang pamilya ng iyong ama. Dahil itinakwil ninyo ang mga utos ng Panginoon at sinamba ninyo ang mga diyos-diyosang si Baal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.