15Sinabi ni Elias, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na makikipagkita ako kay Ahab sa araw na ito.”
16Kaya pumunta si Obadias kay Ahab at sinabi sa kanya na naroon si Elias, at lumakad si Ahab upang makipagkita kay Elias.
17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya, “Ikaw ba talaga iyan, ang nanggugulo sa Israel?”
18Sumagot si Elias, “Hindi ako ang nanggugulo sa Israel, kundi ikaw at ang pamilya ng iyong ama. Dahil itinakwil ninyo ang mga utos ng Panginoon at sinamba ninyo ang mga diyos-diyosang si Baal.
19Ngayon, tipunin mo ang lahat ng mamamayan ng Israel para samahan nila ako sa Bundok ng Carmel. At papuntahin mo rin ang 450 propeta ni Baal at ang 400 propeta ng diyosang si Ashera, na pinapakain ni Jezebel.”