1 Mga Hari 20

Pumunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, at sinabi, “Ito po ang sinasabi ng Panginoon: Inaakala ng mga Arameo na diyos ako ng mga bundok at hindi diyos ng mga lambak, kaya ipapatalo ko sa iyo ang napakarami nilang sundalo upang malaman ninyo na ako ang siyang Panginoon.”

1 Kings 20:28 (UKJV) And there came a man of God, and spoke unto the king of Israel, and said, Thus says the LORD, Because the Syrians have said, The LORD is God of the hills, but he is not God of the valleys, therefore will I deliver all this great multitude into yours hand, and all of you shall know that I am the LORD.

26Nang sumunod na taon, tinipon ni Ben-hadad ang mga Arameo, at pumunta sila sa bayan ng Afek para makipaglaban sa mga Israelita.

27Nagtipon din ang mga Israelita, naghanda ng kanilang mga pangangailangan, at lumabas upang makipaglaban sa mga Arameo. Nagkampo sila paharap sa kampo ng mga Arameo. Ngunit katulad lang sila ng dalawang maliliit na pulutong ng mga kambing kung ikukumpara sa mga Arameo na nakakalat sa kapatagan.

28Pumunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, at sinabi, “Ito po ang sinasabi ng Panginoon: Inaakala ng mga Arameo na diyos ako ng mga bundok at hindi diyos ng mga lambak, kaya ipapatalo ko sa iyo ang napakarami nilang sundalo upang malaman ninyo na ako ang siyang Panginoon.”

29Nagkampo ang mga Israelita at ang mga Arameo na magkaharap sa loob ng pitong araw. At naglaban sila noong ikapitong araw. Sa isang araw lang, nakapatay ang mga Israelita ng isandaang libong sundalong Arameo.

30Ang mga natirang Arameo ay nagsitakas sa lungsod ng Afek, kung saan ang 27,000 sa kanila ay nabagsakan ng pader ng lungsod. Tumakas din doon si Ben-hadad at nagtago sa kasuluk-sulukang kuwarto ng bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.