1 Mga Hari 20

Sinabi ni Ben-hadad kay Ahab, “Isasauli ko sa iyo ang mga lungsod na inagaw ng aking ama sa iyong ama. At maaari kang magpatayo ng mga tindahan sa Damasco, tulad ng ginawa ng aking ama sa Samaria.” Tumugon si Ahab, “Sa alok mong ito, pakakawalan kita.” Kaya gumawa sila ng kasunduan, at pinaalis siya ni Ahab.

1 Kings 20:34 (UKJV) And Ben-hadad said unto him, The cities, which my father took from your father, I will restore; and you shall make streets for you in Damascus, as my father made in Samaria. Then said Ahab, I will send you away with this covenant. So he made a covenant with him, and sent him away.

32Kaya nagsuot sila ng sako at tinalian nila ng lubid ang kanilang ulo. Pagkatapos, pumunta sila sa hari ng Israel, at sinabi, “Ang inyo pong lingkod na si Ben-hadad ay humihiling na kung maaari, huwag nʼyo siyang patayin.” Sumagot ang hari, “Buhay pa pala siya? Para ko na siyang kapatid.”

33Itinuring ng mga opisyal ang sagot ng hari na isang palatandaan na may pag-asa sila, kaya agad naman nilang sinabi, “Opo, si Ben-hadad ay para na ninyong kapatid.” Sinabi ng hari, “Dalhin ninyo siya sa akin.” Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Ahab sa kanyang karwahe.

34Sinabi ni Ben-hadad kay Ahab, “Isasauli ko sa iyo ang mga lungsod na inagaw ng aking ama sa iyong ama. At maaari kang magpatayo ng mga tindahan sa Damasco, tulad ng ginawa ng aking ama sa Samaria.” Tumugon si Ahab, “Sa alok mong ito, pakakawalan kita.” Kaya gumawa sila ng kasunduan, at pinaalis siya ni Ahab.

35Samantala, may isang taong kabilang sa samahan ng mga propeta ang inutusan ng Panginoon upang sabihin ito sa kasama niya, “Sige saktan mo ako.” Pero tumanggi ang kasama niya na saktan siya.

36Kaya sinabi niya sa kanyang kasama, “Dahil hindi mo sinunod ang Panginoon, papatayin ka ng leon pag-alis mo rito.” Pag-alis nga ng kasama niya, nakita siya ng isang leon at pinatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.