1 Mga Hari 20

Itinuring ng mga opisyal ang sagot ng hari na isang palatandaan na may pag-asa sila, kaya agad naman nilang sinabi, “Opo, si Ben-hadad ay para na ninyong kapatid.” Sinabi ng hari, “Dalhin ninyo siya sa akin.” Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Ahab sa kanyang karwahe.

1 Kings 20:33 (UKJV) Now the men did diligently observe whether any thing would come from him, and did hastily catch it: and they said, Your brother Benhadad. Then he said, Go all of you, bring him. Then Benhadad came forth to him; and he caused him to come up into the chariot.

31Sinabi sa kanya ng kanyang mga opisyal, “Narinig po namin na maawain daw ang mga hari ng Israel. Kaya pupunta kami sa hari ng Israel, magsusuot ng sako at magtatali ng lubid sa aming mga ulo. Baka sakaling hindi ka niya patayin.”

32Kaya nagsuot sila ng sako at tinalian nila ng lubid ang kanilang ulo. Pagkatapos, pumunta sila sa hari ng Israel, at sinabi, “Ang inyo pong lingkod na si Ben-hadad ay humihiling na kung maaari, huwag nʼyo siyang patayin.” Sumagot ang hari, “Buhay pa pala siya? Para ko na siyang kapatid.”

33Itinuring ng mga opisyal ang sagot ng hari na isang palatandaan na may pag-asa sila, kaya agad naman nilang sinabi, “Opo, si Ben-hadad ay para na ninyong kapatid.” Sinabi ng hari, “Dalhin ninyo siya sa akin.” Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Ahab sa kanyang karwahe.

34Sinabi ni Ben-hadad kay Ahab, “Isasauli ko sa iyo ang mga lungsod na inagaw ng aking ama sa iyong ama. At maaari kang magpatayo ng mga tindahan sa Damasco, tulad ng ginawa ng aking ama sa Samaria.” Tumugon si Ahab, “Sa alok mong ito, pakakawalan kita.” Kaya gumawa sila ng kasunduan, at pinaalis siya ni Ahab.

35Samantala, may isang taong kabilang sa samahan ng mga propeta ang inutusan ng Panginoon upang sabihin ito sa kasama niya, “Sige saktan mo ako.” Pero tumanggi ang kasama niya na saktan siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.