1 Mga Hari 20

Sinabi sa kanya ng kanyang mga opisyal, “Narinig po namin na maawain daw ang mga hari ng Israel. Kaya pupunta kami sa hari ng Israel, magsusuot ng sako at magtatali ng lubid sa aming mga ulo. Baka sakaling hindi ka niya patayin.”

1 Kings 20:31 (UKJV) And his servants said unto him, Behold now, we have heard that the kings of the house of Israel are merciful kings: let us, I pray you, put sackcloth on our loins, and ropes upon our heads, and go out to the king of Israel: possibly he will save your life.

29Nagkampo ang mga Israelita at ang mga Arameo na magkaharap sa loob ng pitong araw. At naglaban sila noong ikapitong araw. Sa isang araw lang, nakapatay ang mga Israelita ng isandaang libong sundalong Arameo.

30Ang mga natirang Arameo ay nagsitakas sa lungsod ng Afek, kung saan ang 27,000 sa kanila ay nabagsakan ng pader ng lungsod. Tumakas din doon si Ben-hadad at nagtago sa kasuluk-sulukang kuwarto ng bahay.

31Sinabi sa kanya ng kanyang mga opisyal, “Narinig po namin na maawain daw ang mga hari ng Israel. Kaya pupunta kami sa hari ng Israel, magsusuot ng sako at magtatali ng lubid sa aming mga ulo. Baka sakaling hindi ka niya patayin.”

32Kaya nagsuot sila ng sako at tinalian nila ng lubid ang kanilang ulo. Pagkatapos, pumunta sila sa hari ng Israel, at sinabi, “Ang inyo pong lingkod na si Ben-hadad ay humihiling na kung maaari, huwag nʼyo siyang patayin.” Sumagot ang hari, “Buhay pa pala siya? Para ko na siyang kapatid.”

33Itinuring ng mga opisyal ang sagot ng hari na isang palatandaan na may pag-asa sila, kaya agad naman nilang sinabi, “Opo, si Ben-hadad ay para na ninyong kapatid.” Sinabi ng hari, “Dalhin ninyo siya sa akin.” Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Ahab sa kanyang karwahe.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.