33Itinuring ng mga opisyal ang sagot ng hari na isang palatandaan na may pag-asa sila, kaya agad naman nilang sinabi, “Opo, si Ben-hadad ay para na ninyong kapatid.” Sinabi ng hari, “Dalhin ninyo siya sa akin.” Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Ahab sa kanyang karwahe.
34Sinabi ni Ben-hadad kay Ahab, “Isasauli ko sa iyo ang mga lungsod na inagaw ng aking ama sa iyong ama. At maaari kang magpatayo ng mga tindahan sa Damasco, tulad ng ginawa ng aking ama sa Samaria.” Tumugon si Ahab, “Sa alok mong ito, pakakawalan kita.” Kaya gumawa sila ng kasunduan, at pinaalis siya ni Ahab.
35Samantala, may isang taong kabilang sa samahan ng mga propeta ang inutusan ng Panginoon upang sabihin ito sa kasama niya, “Sige saktan mo ako.” Pero tumanggi ang kasama niya na saktan siya.
36Kaya sinabi niya sa kanyang kasama, “Dahil hindi mo sinunod ang Panginoon, papatayin ka ng leon pag-alis mo rito.” Pag-alis nga ng kasama niya, nakita siya ng isang leon at pinatay.
37May nakita namang isang tao ang propeta at sinabi niya, “Saktan mo ako.” Kaya sinaktan siya nito at nasugatan siya.