1 Mga Hari 6

Ang dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro mula sa sahig hanggang sa kisame, at ang sahig ay tablang sipres.

1 Kings 6:15 (UKJV) And he built the walls of the house within with boards of cedar, both the floor of the house, and the walls of the ceiling: and he covered them on the inside with wood, and covered the floor of the house with planks of fir.

13Maninirahan ako kasama ng mga Israelita sa Templong ito na iyong ipinatayo at hindi ko sila pababayaan.”

14Natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo.

15Ang dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro mula sa sahig hanggang sa kisame, at ang sahig ay tablang sipres.

16Nagpagawa si Solomon ng dalawang kuwarto sa loob ng Templo sa pamamagitan ng paglalagay ng dibisyon mula sa sahig hanggang kisame. Ang ginamit na dibisyong tabla ay sedro. Ang kuwarto sa pinakaloob ng Templo ay tinawag na Pinakabanal na Lugar at ang haba nito ay 30 talampakan.

17Ang haba naman ng kuwarto sa labas ng Pinakabanal na Lugar ay 60 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.