20Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.
21Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.
22Kaya natatakpan lahat ng ginto ang loob ng Templo, pati na ang altar na nasa loob ng Pinakabanal na Lugar.
23Nagpalagay si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin na gawa sa kahoy na olibo, at may taas na labinlimang talampakan ang bawat isa.
24Ang dalawang kerubin ito ay magkasinglaki at magkasinghugis. Ang bawat isa ay may dalawang pakpak, at bawat pakpak ay may habang pitoʼt kalahating talampakan. Kaya ang haba mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng isa pang pakpak ay 15 talampakan.