1 Mga Hari 6

Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.

1 Kings 6:20 (UKJV) And the oracle in the front part was twenty cubits in length, and twenty cubits in breadth, and twenty cubits in the height thereof: and he overlaid it with pure gold; and so covered the altar which was of cedar.

18Ang buong dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro kaya hindi makita ang mga bato sa dingding. May mga iniukit din ditong mga bulaklak at mga halamang gumagapang.

19Ipinahanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob ng Templo kung saan ilalagay ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

20Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.

21Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.

22Kaya natatakpan lahat ng ginto ang loob ng Templo, pati na ang altar na nasa loob ng Pinakabanal na Lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.