1 Mga Hari 6

Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.

1 Kings 6:21 (UKJV) So Solomon overlaid the house within with pure gold: and he made a partition by the chains of gold before the oracle; and he overlaid it with gold.

19Ipinahanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob ng Templo kung saan ilalagay ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

20Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.

21Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.

22Kaya natatakpan lahat ng ginto ang loob ng Templo, pati na ang altar na nasa loob ng Pinakabanal na Lugar.

23Nagpalagay si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin na gawa sa kahoy na olibo, at may taas na labinlimang talampakan ang bawat isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.