1 Mga Hari 6

Nagpalagay si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin na gawa sa kahoy na olibo, at may taas na labinlimang talampakan ang bawat isa.

1 Kings 6:23 (UKJV) And within the oracle he made two cherubims of olive tree, each ten cubits high.

21Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.

22Kaya natatakpan lahat ng ginto ang loob ng Templo, pati na ang altar na nasa loob ng Pinakabanal na Lugar.

23Nagpalagay si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin na gawa sa kahoy na olibo, at may taas na labinlimang talampakan ang bawat isa.

24Ang dalawang kerubin ito ay magkasinglaki at magkasinghugis. Ang bawat isa ay may dalawang pakpak, at bawat pakpak ay may habang pitoʼt kalahating talampakan. Kaya ang haba mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng isa pang pakpak ay 15 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.