17Ang haba naman ng kuwarto sa labas ng Pinakabanal na Lugar ay 60 talampakan.
18Ang buong dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro kaya hindi makita ang mga bato sa dingding. May mga iniukit din ditong mga bulaklak at mga halamang gumagapang.
19Ipinahanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob ng Templo kung saan ilalagay ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
20Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.
21Ang ibang bahagi ng loob ng Templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar.