1 Mga Hari 6

Ang buong dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro kaya hindi makita ang mga bato sa dingding. May mga iniukit din ditong mga bulaklak at mga halamang gumagapang.

1 Kings 6:18 (UKJV) And the cedar of the house within was carved with knops and open flowers: all was cedar; there was no stone seen.

16Nagpagawa si Solomon ng dalawang kuwarto sa loob ng Templo sa pamamagitan ng paglalagay ng dibisyon mula sa sahig hanggang kisame. Ang ginamit na dibisyong tabla ay sedro. Ang kuwarto sa pinakaloob ng Templo ay tinawag na Pinakabanal na Lugar at ang haba nito ay 30 talampakan.

17Ang haba naman ng kuwarto sa labas ng Pinakabanal na Lugar ay 60 talampakan.

18Ang buong dingding sa loob ng Templo ay natatakpan ng tablang sedro kaya hindi makita ang mga bato sa dingding. May mga iniukit din ditong mga bulaklak at mga halamang gumagapang.

19Ipinahanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob ng Templo kung saan ilalagay ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

20Ang kuwartong ito ay kuwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa sedro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.