1 Samuel 1

Taon-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba at maghandog sa Panginoon ng mga Hukbo. Ang dalawang lalaking anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon doon sa Silo.

1 Samuel 1:3 (UKJV) And this man went up out of his city yearly to worship and to sacrifice unto the LORD of hosts in Shiloh. And the two sons of Eli, Hophni and Phinehas, the priests of the LORD, were there.

1May isang lalaking mula sa angkan ni Zuf na ang pangalan ay Elcana. Nakatira siya sa Rama, sa maburol na lupain ng Efraim. Anak siya ni Jeroham na anak ni Elihu. Si Elihu ay anak naman ni Tohu na anak ni Zuf, na mula sa lahi ni Efraim.

2Si Elcana ay may dalawang asawa. Sila ay sina Ana at Penina. May mga anak si Penina ngunit si Ana ay wala.

3Taon-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba at maghandog sa Panginoon ng mga Hukbo. Ang dalawang lalaking anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon doon sa Silo.

4Sa tuwing maghahandog si Elcana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak nito.

5Ngunit doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Ana dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.