1 Samuel 1

Sa tuwing maghahandog si Elcana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak nito.

1 Samuel 1:4 (UKJV) And when the time was that Elkanah offered, he gave to Peninnah his wife, and to all her sons and her daughters, portions:

2Si Elcana ay may dalawang asawa. Sila ay sina Ana at Penina. May mga anak si Penina ngunit si Ana ay wala.

3Taon-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba at maghandog sa Panginoon ng mga Hukbo. Ang dalawang lalaking anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon doon sa Silo.

4Sa tuwing maghahandog si Elcana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak nito.

5Ngunit doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Ana dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Panginoon.

6At dahil ginawa siyang baong ng Panginoon, palagi siyang iniinis at hinihiya ng kanyang karibal na si Penina.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.