1 Samuel 1

Ngunit doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Ana dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Panginoon.

1 Samuel 1:5 (UKJV) But unto Hannah he gave a worthy portion; for he loved Hannah: but the LORD had shut up her womb.

3Taon-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba at maghandog sa Panginoon ng mga Hukbo. Ang dalawang lalaking anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon doon sa Silo.

4Sa tuwing maghahandog si Elcana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak nito.

5Ngunit doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Ana dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Panginoon.

6At dahil ginawa siyang baong ng Panginoon, palagi siyang iniinis at hinihiya ng kanyang karibal na si Penina.

7Ganito ang laging nangyayari taon-taon. Sa tuwing pupunta si Ana sa bahay ng Panginoon, iniinis siya ni Penina hanggang sa umiyak na lang siya at hindi na kumain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.