4Sa tuwing maghahandog si Elcana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak nito.
5Ngunit doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Ana dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Panginoon.
6At dahil ginawa siyang baong ng Panginoon, palagi siyang iniinis at hinihiya ng kanyang karibal na si Penina.
7Ganito ang laging nangyayari taon-taon. Sa tuwing pupunta si Ana sa bahay ng Panginoon, iniinis siya ni Penina hanggang sa umiyak na lang siya at hindi na kumain.
8Sinasabi ni Elcana sa kanya, “Bakit ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Bakit ka malungkot? Mas mahalaga ba para saʼyo ang sampung anak kaysa sa akin?”