1 Samuel 10

Pag-alis mo ngayon, may makakasalubong kang dalawang tao malapit sa libingan ni Raquel sa Selsa, sa hangganan ng Benjamin. Sasabihin nila sa iyo, ‘Nakita na ang mga asnong hinahanap ninyo. At ngayon, hindi na ang mga asno ang inaalala ng iyong ama kundi kayo na. Itinatanong niya, “Ano ang gagawin ko para mahanap ko ang aking anak?” ’

1 Samuel 10:2 (UKJV) When you are departed from me to day, then you shall find two men by Rachel's tomb in the border of Benjamin at Zelzah; and they will say unto you, The asses which you went to seek are found: and, lo, your father has left the care of the asses, and sorrows for you, saying, What shall I do for my son?

1Pagkatapos, kumuha si Samuel ng lalagyan ng langis at ibinuhos ang langis sa ulo ni Saul. Hinagkan niya si Saul at sinabi, “Ang Panginoon ang pumili sa iyo na mamuno sa kanyang bayan.

2Pag-alis mo ngayon, may makakasalubong kang dalawang tao malapit sa libingan ni Raquel sa Selsa, sa hangganan ng Benjamin. Sasabihin nila sa iyo, ‘Nakita na ang mga asnong hinahanap ninyo. At ngayon, hindi na ang mga asno ang inaalala ng iyong ama kundi kayo na. Itinatanong niya, “Ano ang gagawin ko para mahanap ko ang aking anak?” ’

3“Pagdating mo sa malaking puno ng Tabor, may makakasalubong kang tatlong tao na pupunta sa Betel para sumamba sa Diyos. Ang isa sa kanilaʼy may dalang tatlong batang kambing, ang isaʼy may dalang tatlong tinapay at ang isa naman ay may dalang alak na nakalagay sa balat na sisidlan.

4Babatiin ka nila at aalukin ng dalawang tinapay na tatanggapin mo naman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.